"Filipino: Wika ng saliksik"
Ngayong buwan ng Agosto, ang buwan ng wika ay ipinagdiriwang
nating mga Pilipino. Dahil ang wikang Pilipino ay ginagamit nating mga Pilipino.
Ito’y napakahalaga sapagkat ginagamit natin ito sa pakikipag-usap. At higit sa
lahat ito ang ating sariling wika. Wikang dapat nating pahalagahan at
respetuhin.
Ang tema ng
buwan ng wika para sa taong ito ay “Filipino: Wika ng saliksik.” Ang tema ay kumikilala sa paglikha at
pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Ngunit sa panahong ngayon
ang wikang ingles na ang lengguaheng ginagamit ng mga ibang Pilipino. At nakakalimotan
na nila ang wikang Pilipino. Kahit na ganoon hikayatin natin ang ating kapuwa Pilipino
na huwag kalimutan ang ating wikang kinagisnan.
Mahalin natin
ang ating wika, ito ang simbolo ng ating kalayaan, simbolo ng ating
pagkapilipino. Magiging boses ang wikang Filipino sa pagpapalaganap ng kaalaman
sa lahat ng tao saan man sulok ng mundo.
Reference: https://goo.gl/images/p42QkU
Tayo nang ipagdiwang ang Buwan ng Wika!
ReplyDeleteMahusay! Dapat palaganapin ang Wikang Filipino!
ReplyDeleteMahusay! Ipagpatuloy mo lang!
ReplyDelete